-- Advertisements --

Nakipag-ugnayan na ang Philippine embassy sa US sa state department para tugunan ang dumaraming kaso ng hate crimes laban sa mga Asians.

Sinabi ni Philippine Ambassador to US Jose Manuel Romualdez, na inabisuhan na nila ang State Department sa nasabing usapin.

Umaasa ito na agad na tutugunan ng state department ang kanilang reklamo.

Nauna ng binatikos mismo ni US President Joe Biden ang nasabing hate crimes sa mga Asyano.

Mula ng kumalat ang balitang galing sa China ang COVID-19 ay tumaas ang bilang ng hate crimes laban sa mga Asyano.

Magugunitang isang Filipino ang nilaslasan ng mukha habang ito ay nasa subway ng New York.