Nanawagan ang Embahada ng Pilipinas sa Tel Aviv na ipagpaliban muna ang non-essential travel sa Israel.
Sa abiso ng embahada, sinabi nito na dapat i-postpone indefinitely ang hindi importanteng biyahe o hanggang sa maging stable na ang seguridad sa naturang bansa.
Kabilang sa hiniling ng Embahada na ipagpaliban muna ay ang mga biyahe kabilang na ang pilgrimage at iba pang paglalakbay gayundin ang pagbiyahe para sa volunteer work.
Samantala, sinabi din ng Embahada na ang mga magtatangkang bumiyahe sa ilalim ng nabanggit na kondisyon ay maaaring ma-offload mula sa kanilang flights.
Kaugnay nito, hinimok ng Embahada ang lahat ng mga Pilipino na iprayoridad ang kaligtasan at seguridad at sumunod sa abiso.
Ginawa ng Embahada ang pahayag sa gitna ng nagpapatuloy na giyera sa Israel at Hamas sa Gaza sa loob na ng mahigit 7 buwan.