-- Advertisements --

Tinawag na “false information” ng Embahada ng Pilipinas sa Bangkok ang ulat na 10 Pilipino ang namatay sa magnitude 7.7 na lindol na yumanig sa Thailand noong Biyernes.

Ayon sa embahada, wala pa silang natatanggap na ulat ng mga Pilipinong nasaktan sa lindol. 

Sinabi ni Philippine Ambassador to Thailand Millicent Paredes sa isang panayam nitong Sabado na wala pang Pilipinong humiling ng tulong sa embahada sa ngayon.

Idineklara ang Bangkok bilang emergency zone matapos ang magnitude 8.2 na lindol na tumama sa Myanmar na nakaapekto sa Thai capital.

Pinayuhan ng embahada ang mga Filipino national sa Thailand na subaybayan ang mga update mula sa mga mapagkakatiwalaan na mapagkukunan ng impormasyon, at iwasan ang pagkalat ng “peke at hindi na-verify na balita.”