Kasalukuyang kinakalap na ng Embahada ng Pilipinas sa Yangon, Malaysia ang mga impormasyon kaugnay sa kalagayan ng lahat ng apektadong Pilipino doon kasunod ng tumamang magnitude 7.7 na lindol kahapon, Marso 28.
Sa inisyung advisory ng Embahada ngayong araw ng Sabado, Marso 29, sinabi ng Embahada na ang naturang hakbang ay para matukoy ang mga kailangang resources para matulungan ang mga Pinoy doon kabilang ang pagpapadala ng isang team sa ground para magsagawa ng welfare checks sa mga ito.
Tiniyak din ng Embahada ang pag-assess at pagtulong sa mga nangangailangang ma-relocate o ma-repatriate.
Para naman sa emergencies, maaaring i-kontak ang Embahada sa pamamagitan ng Assistance-to-Nationals (ATN) hotline na +95 998 521 0991 o ang official Philippine Embassy in Myanmar Facebook at Messenger.
Nauna ng sinabi ni Department of Foreign Affairs (DFA) USec. for Migrant Workers Affairs Eduardo De Vega na mayroong 600 Pilipino sa Myanmar subalit malayo ang mga ito mula sa episentro ng lindol.