-- Advertisements --

Nakumpirma na ng Embahada ng Pilipinas sa Myanmar ang ligtas na kalagayan ng 128 Pinoy sa Mandalay, kasunod ng nangyaring magnitude 7.7 na lindol.

Myroong 171 Pinoy na nakatira sa naturang lugar, batay sa record ng Embahada, habang halos 100 na sa kanila ng humiling na mailipat sa mas ligtas na lugar sa Myanmar.

Ayon kay Office of Migration Affairs Director Catherine Alpay pawang nasa maayos ang kalagayan ng 128 na Pilipino habang mayroong 14 pang natukoy na nasa labas ng Myanmar noong mangyari ang pagyanig.

Nagpaptuloy din ang welface check para sa dalawampu’t limang iba pa.

Ayon kay Dir. Alpay, bagaman wala pang reply mula sa kanila, wala namang indikasyon na sila ay missing.

Nagpapatuloy naman ang mahigpit na koordinasyon ng embahada sa mga otoridad ng Myanmar upang matiyak ang kaligtasan ng iba pang mga Pinoy sa naturang lugar, kasama ang tuluyang pagkakatunton sa 4 na una nang napaulat na missing kasunod ng lindol.

Umaasa pa rin ang pamahalaan na kinalaunan ay matatagpuan ding buhay ang mga ito, sa tulong ng nagpapatuloy na search and rescue operations