Inihayag ng Philippine Embassy sa Washington na patuloy nilang mino-monitor ang kalagayan ng mga Pinoy at wala pa silang naitatalang nasaktan o labis na napinsala ng hurricane Helene sa timog-silangan ng United States.
Nasa 300,000 na Pinoy ang naninirahan sa mga lugar na tinamaan ng bagyong Helene.
Dagdag pa rito, nakahanda rin ang Philippine Embassy na magbigay ng tulong sa mga tinamaan ng bagyo sa southestern United States.
Malubhang naapektuhan ng bagyo ang rehiyon ng Big Bend sa Florida, gayundin ang mga bahagi ng Georgia, Tennessee at Carolinas.
Ang Hurricane Helene, isang Category 4 na bagyo, ay nag-landfall sa Perry, Florida, na may lakas na hanging aabot sa 225 kilometers per hour.
Sinasabing ito rin ang pinakamalakas na bagyong tumama sa Big Bend.