-- Advertisements --

Nag-alok ng tulong ang Embahada ng Pilipinas sa Washington D.C. sa kamag-anak ng nasawing Pilipinong pulis na si PCol. Pergentino Malabed Jr. sa US plane crash noong Miyerkules, Enero 29.

Sa isang statement, kinumpirma din ng Embahada ang pagkasawi ni Col. Malabed na natukoy na isa sa mga biktima ng collision lulan ng American Airlines flight 5342.

Ayon sa Embahada, maigting na nakikipagtulungan na ito sa mga lokal na awtoridad at inialok ang lahat ng posibleng tulong sa kamag-anak ni Col. Malabed sa pakikipagtulungan sa Philippine National Police.

Nauna na ring nagpaabot ng pakikiramay ang Department of Foreign Affairs (DFA) sa pagkawala ni PCol. Malabed at sa lahat ng biktima sa malagim na trahediya.

Nakikipagtulungan na din ang DFA sa mga lokal na awtoridad at nakahandang tulungan ang mga kamag-anak ni Col. Malabed.