Nanawagan si Philippine Ambassador to Budapest rank Cimafranca sa Philippine Overseas Employment Administration (POEA) at iba pang manpower agencies na tumulong sa gastusin para sa paglikas ng mga Pinoy seafarer mula sa Ukraine.
Ito ay matapos na ma-stranded ang mga naturang seafarer doon dahil sa sigalot ngayon sa pagitan ng Russia at Ukraine.
Inapela ito ni Cimafranca sa naging pagdinig ng House Committee on Overseas Worlkers Affairs kasabay ng pagsasabi na ang kapakanan at kaligtasan ng mga ito ang kanilang pangunahing responsibilidad at binigyang diin na ang pag-alis sa mga tripolanteng naipit sa digmaan ay may kaakibat na gastusin.
Aniya, sa ngayon sinusubukan pa rin ng honorary consul sa Moldoba na maghanap pa ng ibang paraan para lamang sa evacuation ng mga natitirang mga Pilipinong dito.
Magugunita na batas sa pinakahuling ulat ng Department of Foreign Affairs (DFA) ay nasa 146 na mga seafarers pa ang nananatilin stranded sa Ukraine habang 49 sa mga ito ang nailikas na habang nasa 277 naman ang nakauwi na sa Pilipinas.