-- Advertisements --

Ipinapauwi sa bansa ang ambassador ng Pilipinas sa Brazil.

Ito ay may kaugnayan sa alegasyon na minamaltrato umano ni Ambassador Marichu Mauro ang kaniyang staff.

Sinabi ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr. na pinapabalik na sa Pilipinas si Mauro upang ipaliwanag ang kaniyang maling pagtrato raw sa kanyang staff.

Napag-alaman na saklaw ni Mauro ang Colombia, Guyana, Suriname at Venezuela.

Inaasahan na maglalabas ng dagdag pahayag ang Department of Foreign Affairs (DFA) hinggil sa nasabing report.