-- Advertisements --

Tatayong kinatawan ng Pilipinas sa inagurasyon ni US President-elect Joe Biden si Philippine ambassador to Washington Jose Manuel Romualdez.

Ayon sa Philippine Embassy, dahil sa COVID-19 pandemic ay napakahigpit ang ipatutupad na health protocols sa okasyon, kung saan inaasahan ang pagdalo ng mga foreign leaders at mga matataas na opisyal ng gobyerno.

Kasama rin ni Romualdez sa inagurasyon sa US Capitol ang iba pang mga miyembro ng Washington diplomatic corps.

Inaasahan din ang pagdalo nina dating US Presidents Barack Obama, George W. Bush at Bill Clinton, maging sina former first ladies Michelle Obama, Laura Bush at Hillary Clinton.

Hindi naman makakadalo sa okasyon ang 96-anyos na si dating US President Jimmy Carter dahil sa isyu sa kalusugan.

Bagama’t sarado sa publiko ang seremonya, mapapanood naman daw ito sa telebisyon at online, kasama na ang presidential parade.