BACOLOD CITY – Handang-handa na ang Philippine Esports team sa kauna-unahang FIBA open na magsisimula mula Hunyo 19 hanggang 21 kung saan makakalaban nila sa limang laro ang bansang Indonesia.
Sa exclusive interview ng
Hindi umano makakaya ng internet connections ng bawat bansa ang paglaban ng per continent kaya naging per region tournament ito na tanging Indonesia ang makakalaban ng Pilipinas.
Mamayang gabi na ang laban nila alas-6:45 ng gabi at alas-7:25 ng gabi para sa game 1 at game 2 kaya sa pamamagitan ng Bombo Radyo Phippines at Star FM Philippines ay humihingi sila ng karagdagang suporta sa lahat ng mga Pinoy at basketball lovers.
Dagdag ni coach Nite na ipapakita nila ang galing ng Pinoy sa pamamagitan ng Esports.
Ang PH Esports seven-man national team ay kinabibilangan nina Rocky “Rak” Braña, Philippe “Izzo” Alcaraz IV, Custer “Aguila” Galas, Clark Banzon, Al “Alt” Timajo, Aljon “Shintarou” Cruzin and Rial Polog Jr. sa pangangalaga ng kanilang team manager na si Richard Brojan.