-- Advertisements --
Na-disqualify sa kanyang event ang atleta ng Pilipinas na si Jerrold Mangliwan sa men’s 400-meter final sa ginaganap ngayong Tokyo Paralympic Games.
Ang flag bearer ng Team Pilipinas sa opening ceremonies ay hindi na natapos ang laro dahil sa lane infringement bunsod na paglabag daw ito sa Rule 18.5.
Nakasaad dito na bawal sa mga atleta na lumabas sa kanilang sariling lanes kung magtatangkang mag-overtake.
Maging ang paralympic athlete ng US ay na-disqualify din.
Ang Japanes athlete na si Sato Tomoki ang nakasungkit ng gold medal.
Samantala sa kabila nito lalahok pa rin naman sa men’s 100m at 1500m si Mangliwan.