-- Advertisements --
Tuloy na tuloy na ang pagsisimula ng bagong season ng Philippine Football League (PFL) sa araw ng Miyerkules sa PFF National Training Center sa Carmona, Cavite.
Nakansela ang nasabing pagsisimula ng bagong season nitong Linggo dahil sa pananalasa ng bagyong Quinta.
Kasama rin na nagpaantala ng pagsisimula ay ang pagpositibo sa coronavirus ng ilang mga manlalaro.
Dahil dito ay sumailalim sa antigen test ang mga manlalaro, coaches at staff sa Seda Nuvali, Santa Rosa, Laguna na lumabas na negatibo sila lahat.
Tiniyak naman ni Philippine Football Federation (PFF) president Mariano “Nonong” Araneta na masusunod ang health and safety protocols kapag tuluyan ng magsimula ang liga.