-- Advertisements --

CAGAYAN DE ORO CITY – Tiniyak ng Police Regional Office 10 na handang-handa na sila na magbigay seguridad kahit anumang araw na isagawa ang national at local elections sa Northern Mindanao.

Kasunod ito ng pangalawang pagsagagawa ng Commission on Elections ng Regional Joint Security Control Center Coordinating Conference (RJSCC) kung saan nagsumite ng ang Philippine National Police at Armed Forces of the Philippines ng kanilang sariling listahan ng areas of concern sa nalalapit na May 12 elections.

Sinabi sa Bombo Radyo ni PRO 10 spokesperson Major Joann Navarro na sa halos 100 na munisipalidad at mga lungsod ng rehiyon, isa rito ay nasa red category habang 12 ang nasa kulay orange na inaasahang bubuhusan ng sapat na puwersa isang linggo sa hindi pa ang mismong halalan.

Ayon sa opisyal na ang bayan ng Nunungan na sakop ng Lanao del Norte ang nasakop ng code red kung saan dati ng mayoong naitala na political related incidents at taong 2024 lang ay mismo ang election officer nito ang tinambangan patay sa hindi pa nahuli na mga salarin.

Ito ang dahilan na hindi bababa sa halos 3,000 puwersa ng estado ang gagamitin upang ma-secure ang 2025 midterm elections.