Kinumpirma niPangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na mayroong isinasagawang pagpupulong o backchannel na pagsisikap upang malutas ang isyu sa West Philippine Sea (WPS).
Sinabi ng Pangulo na inuubos na ng gobyerno ang lahat ng mga remedyo para makapagbigay ng progreso sa pagresolba sa mga isyu para matigil ang mga agresibong aksyon ng China at payagan ang mga Pilipino na mangisda sa WPS.
Aniya, sinusubukan ng gobyerno ang mga mekanismo na gagana para sa Pilipinas.
Sa isang panayam, sinabi ng Punong ehekutibo na maraming beses na nitong sinabi na dapat masubukan ang lahat ng remedyo dahil hindi mababatid kung ano dito ang magiging epektibo.
Sinabi ng Pangulo na maaaring simulan ng Pilipinas ang susunod na hakbang — “para makita kung may paraan para malutas ang lahat ng mga claim na ito” at bumalik sa mapayapang paraan sa pagitan ng Pilipinas at China “at patuloy na subukan at paunlarin” ang relasyon ng ang dalawang bansa.