Sigurado na umanong makakakuha ang Pilipinas ng nasa 30-milyong dosage ng COVID-19 vaccine na gawang India na Novavax.
Ayon kay Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr. ang kontrata kaugnay sa supply ng bakuna ay lalagdaan bago matapos ang taon.
Dagdag ng kalihim, nanggaling ang impormasyon sa Serum Institute of India, ang sinasabing pinakamalaking vaccine producer sa buong mundo.
Una rito, nagkaroon ng kasunduan ang American vaccine developer Novavax Inc. at ang Serum Institute of India para sa development at commercialization ng kanilang COVID-19 vaccine.
Sa ngayon, nakapag-secure na ang Pilipinas ng 2-milyong dosage ng coronavirus vaccines mula sa British pharmaceutical company na AstraZeneca.
Target din ng pamahalaan na magkaroon ng deal sa Sinovac Biotech ng China, Gamaleya Research Institute ng Russia, at Moderna at Pfizer ng Estados Unidos.