MANILA – Walang na-detect na bagong kaso ng COVID-19 variant na B.1.1.7 ang Philippine Genome Center (PGC) mula sa pinaka-huling sequencing na ginawa nito sa ilang samples ng mga nag-positibo sa coronavirus disease.
Ayon sa PGC, 48 samples lang ang sumailalim sa ikaapat na batch ng genome sequencing dahil naubusan sila ng “reagents” para magawa ang proseso.
“PGC was able to sequence only 48 samples for the fourth batch of sequencing, and none of which was positive for the B.1.1.7 variant,” batay sa press release ng Health department.
Ginagamit ang reagent sa chemical analysis. Isa itong uri chemical substance na hinahalo sa samples para matukoy kung sila ba ay may tinamaan ng bagong virus variant.
Kilala ang B.1.1.7 bilang “UK variant” dahil sa United Kingdom unang pumutok ang bagong anyo ng COVID-19 virus.
Mula sa 48 samples, 23 daw ang galing sa National Capital Region. Karamihan sa mga ito ang galing sa Quezon City.
Mayroon ding 19 na samples mula sa Calabarzon, na karamihan ay mula sa Laguna; apat sa Cordillera; at dalawa ang galing sa returning overseas Filipinos.
“The DOH also reports that 7 of these cases are already tagged as recovered, while the rest are active that are either asymptomatic or mild cases.”
Batay daw sa report ng PGC, kaya nasali sa sequencing ang dalawang balikbayan ay dahil pasok sa required na bilang ng “cycle threshold” (CT) value ang kanilang samples.
Una nang sinabi ng DOH na para masali sa genome sequencing ang isang sample, dapat higit 30 ang CT value nito.
Sa proseso ng genome sequencing kasi malalaman kung saan nakuha ng indibidwal ang kanyang COVID-19 virus.
“Moreover, the PGC is also set to sequence another 48 samples this coming week, including samples from CAR and other targeted areas, while waiting for the kits and reagents for genomic sequencing.”
READ: UP-Philippine Genome Center says they were only able to sequence 48 samples for the fourth batch due to the global shortage of reagents for genome sequencing.
— Christian Yosores (@chrisyosores) January 30, 2021
All are negative to the UK variant. | @BomboRadyoNews pic.twitter.com/xUhpdvv1tB
Bago pa man makapagtala ng unang kaso ng UK variant ang bansa, pinalakas na ng gobyerno ang biosurveillance sa pamamagitan ng pagpapadala sa PGC ng samples ng mga magpo-positibong biyahero galing sa ibang bansa.
Ayon sa mga ahensya, bagamat walang naitalang bagong kaso ng UK variant, dapat panatilihin ng publiko ang pagsunod sa minimum public health standards.
Sa ganitong paraan daw maiiwasan na mahawa ang publiko sa kahit anong variant ng sakit.
“The public is urged to strictly adhere to these standards, specially when going to public places, by properly wearing face masks and face shields, maintaining a one-meter distance from other people, limiting the time of interaction to others, ensuring proper air circulation in any establishments or venues, and to regularly sanitize hands.”
Nananatili sa 17 ang bilang ng UK variant cases ng COVID-19 sa Pilipinas. Kabilang ang 17 kaso sa 523,516 total infections na naitala ng DOH mula Enero 30, 2020.