Kasalukuyang kumukuha na ang Philippine government ng tools kontra sa mga financial technology crimes, ayon sa Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC).
Ayon kay CICC deputy executive director Assistant Secretary Mary Rose Magsaysay, magkakaroon ang gobyerno ng kapasidad sa paglutas ng financial cybercrimes sa susunod na linggo.
Dagdag pa ni Magsaysay, may kapasidad na ang gobyerno na malaman kung saan napunta ang mga pera, kung saan nanggaling, maski naghalo-halo pa raw ito sa isang exchange.
Noong Enero, kung matatandaan may kabuuang 624 na kaso ng online scam ang naiulat, ayon sa Philippine National Police – Anti-Cybercrime Group (PNP-ACG).
Sinabi din ng PNP-ACG na patuloy itong nagtatatag ng mas maraming opisina sa iba’t ibang rehiyon, probinsya, at distrito gayundin ang mga cybercrime desk sa loob ng mga istasyon ng pulisya.
Nauna nang sinabi ni PNP-ACG chief Police Major General Sidney Hernia, na maging masuri sa pakikitungo sa mga hindi kilalang personalidad, partikular sa online platform. Kinakailangan aniya na patuloy na protektahan ang ating mga sarili laban sa online scams.
Samantala, nakatutok din ang PNP-ACG sa paglilingkod at pangangalaga sa ating komunidad laban sa mga panganib na dulot ng mga cybercriminal.