-- Advertisements --

MANILA – Lumagda na ng ikalawang kasunduan para sa COVID-19 vaccine supply ang pamahalaan ng Pilipinas.

Nitong Linggo, kinumpirma ng Faberco Life Sciences Inc., na pumirma ng “term sheet” ang gobyerno para sa 30-million doses ng bakunang dinevelop ng Serum Institute of India (SII).

“The Philippine government, Serum Institute of India, and Faberco Life Sciences Inc., have signed a Term Sheet on January 9, 2021 to secure the supply of 30 million doses of COVID-19 vaccine Covovax, which will be available starting third quarter of this year,” ayon sa media release.

Ang kompanyang Faberco ang ka-partner ng SII sa manufacturing ng kanilang bakuna sa Pilipinas. Katuwang ng Serum Institute sa pag-develop at commercialization ng Covovax vaccine ang US-based biotechnology company na Novavax.

“This is a significant milestone in relations between India and the Philippines. It shows that we don’t have to look far beyond Philippine shores to find friends who are willing to help each other out,” ani Kishore Hemlani, founder ng Faberco.

Ayon kay Dr. Luningning Villa, medical director ng Faberco, target ibahagi sa 15-million mahihirap at vulnerable na mga Pilipino ang bakuna na nasa kasunduan.

Tiyak naman daw na hindi mahihirapa ang bansa sa pag-iimbak ng vaccine supply dahil hindi strikto ang cold chain storage requirement ng Covovax.

“The vaccine is stable at 2°C to 8°C, the standard temperature that is within the existing cold chain system in the Philippines, thus allowing its distribution to the remotest barangays.”

Kasalukuyan pang lumalakad ang Phase III clinical trial ng Covovax sa United Kingdom, kung saan may 15,000 participants; at United States at Mexico, na may 30,000 participants.

Unang isinagawa ang pag-aaral ng bakuna sa Australia, South Africa at India.

Tiniyak ng Faberco na dumaan sa masusing evaluation ng iba’t-ibang populasyon ang SII-Novavax-developed vaccine. Pati na sa iba’t-ibang antas ng edad, at mga may sakit.

“The candidate vaccine is thoroughly evaluated in different geographies, various age groups, groups that are most affected by COVID-19, including people living with HIV, and racial and ethnic minorities.”

Itinuturing na pinaka-malaking vaccine manufacturer sa buong mundo ang Serum Institute of India, na gumawa na rin noon ng bakuna laban sa polio, rotavirus, at pneumococcal.

Una nang lumagda ng “tripartite agreement”‘ ang pamahalaan at private sector sa AstraZeneca para naman sa 2.6-million dose ng bakuna.

Nitong Linggo, sinabi rin ni Health Sec. Francisco Duque III na pumirma na rin ng kasunduan ang gobyerno para sa 25-million doses ng COVID-19 vaccine na gawa naman ng Chinese biopharmaceutical company na Sinovac.