Nakumpleto na ng Philippine government partikular ng Justice department ang extradition case para kay dating Negros Occidental Rep. Arnie Teves na kasalukuyang nakakulong sa Timor Leste.
Sa isang panayam sinabi ni DOJ spokesperson Asec. Jose Dominic Clavano IV, na ginawa na ng gobyerno ang lahat para ma-comply ang mga requirements na hinihingi ng Timor Leste government hinggil sa kaso ni Teves partikular ang hiling na extradition.
Aminado si Clavano na nagkaroon ng gap o tumagal sila dahil ang mga dokumento, records at pleadings na kanilang isusumite sa Timor Leste government ay kailangang ma-translate sa lenguahe na Portuguese.
Pero sa ngayon ayon kay Clavano ay okay na ito at naghihintay na lamang sila ng feedback mula sa Timor Leste government.
Nilinaw naman ni Clavano na ang dahilan ng pag-aresto ng Timor Lest authorities kay Teves ay dahil sa inilabas na red notice sa interpol.
Ipinaliwanag naman ni Clavano ang dahilan kung bakit natagalan ang extradition ni Teves pabalik ng bansa ito ay dahil naghain din sila ng motion for extension bilang precaution dahil nais nila na ang mga dokumentong kakailanganin ay kumpleto.
Kumpiyansa naman si Clavano na posible sa mga darating na linggo ma-extradite na ang dating mambabatas pabalik ng bansa at dito na niya haharapin ang kaniyang mga kaso.