Nagpaabot na rin nang pagkabahala ang gobyerno ng Pilipinas sa nangyayaring gulo sa bansang Myanmar.
Sa statement ng DFA sinabi nito na partikular silang nangangamba sa kalagayan ng lider ng naturang bansa, ang tinaguriang “demcoracy icon” na si Aung San Suu Kyi na isinailalim umano sa house arrest ng militar matapos ang kudeta na nagsimula nitong nakalipas na Lunes.
Ayon sa DFA, malaki na rin ang ginawa na mga hakbang ng Myanmar upang palawakin pa ang pagsusulong ng demokrasya sa nakalipas na ilang taon.
Ang ganitong mga pagsisikap ay sinuportahan din ng Pilipinas.
Muli ring tiniyak ng DFA na inabisuhan na ng embahada ng Pilipinas ang mahgit 1,000 pang mga Pinoy doon na palaging mapagmatyag sa mga kaganapan at sundin ang mga kautusan ng mga lokal na otoridad.
Meron ding hotline na ibinigay ang DFA na puwedeng kontakin sa panahon ng kagipitan.
Patuloy rin naman ang panawagan ng Philippine Embassy sa mga Pinoy doon na gustong mag-avail sa repatriation ay kailangang magpalista lamang online.