Hinihimok na ng Philippine Embassy sa Lebanon ang mga Pilipino na lumikas na dahil sa tumataas na tensyon sa pagitan ng Hezbollah at Israeli forces.
Kasalukuyan ngayong nasa Alert Level 3 ang Lebanon kung saan pinapayagan ang voluntary repatriation.
Ayon kay Department of Migrant Workers (DMW) Secretary Hans Leo Cacdac, 13 overseas Filipino workers, kasabay ng tatlong bata ang nakabalik na ng Pilipinas nito lamang Sabado.
Ayon pa sa DMW, 45 pang pinoy sa Lebanon ang inaasahang darating sa Pilipinas sa sususnod na Linggo.
Samantala, maliban sa repatriations, nagsasagawa rin daw ng onsite monitoring ang ahensya at nakikipag-ugnayan sa Filipino community.
Nasa 300 pinoy umano ang humingi ng assistance na makauwi sa Pilipinas nitong mga nakaraang buwan ayon kay Cacdac.