CAGAYAN DE ORO CITY -Hindi bibigay ang gobyerno sa inilabas na demanda ni Communist Party of the Philippines founder Jose Maria Sison maipagpatuloy lamang ang naputol na peacetalks ng dalawang panig.
Ito ang kasagutan ni National Security Adviser Hermogenes Esperon Jr nang sinabi ni Sison na dapat maalis muna ang CPP-NPA sa listahan ng mga terorista na unang ipinag-utos ni Pangulong Rodrigo Dutete at ang pag-abolish ng executive no. 70 o mas kilala na whole of the nation approach to end insurgents sa bansa.
Sa panayam ng Bombo Radyo,inihayag ni Esperon na nabubulgar ang pagpapanggap ni Sison kasama ang NPA sa executive no. 70 ni Duterte dahil maipaabot ng gobyerno ang basic services para sa mga kababayan na nakabase sa kanayunan.
Inihayag ng opisyal na tila hindi na malilinlang ng mga komunista ang taong-bayan dahil ang dating mga propaganda na ginamit ng mga ito sa matagal na panahon ay binigyan nang katuparan ni Duterte.
Dagdag ni Esperon na kabilang rito ang pagbigay ng libreng lupain,edukasyon,health services,irigasyon at marami pang basic services.