Aprubado na ng Senado sa third and final reading ang panukalang batas na naglalayong magtayo ng Philippine High Schools for Sports para matulungan ang mga batang atleta na makamit ng buo ang kanilang kahiligang sports.
Nakakuha ng 21 senador ang bumuto sa Senate Bill 1086 o act creating and establishing the Philippine High School for Sports at pagbibigay ng pondo para sa sapat na pagsasanay ng estudyante na may kakayahan sa anumang sports.
Sa nasabing batas ang PHSS ay katuwang nila ang Department of Education (DepEd) na makikipag-ugnayan sa Philippine Sports Commission (PSC) para sa policy and program formulation.
Paglilinaw na nasa PHSS na hindi lang nakatutok sa sports ang mga ito at sa halip ay magbibigay ng quality education sa mga mag-aaral na naaayon sa Republic Act 10533 o “Enhanced Basic Education Act”.