Hihingin ngayong ng gobyerno ng Pilipinas ang tulong ng INTERPOL upang maaresto ang mga vlogger at Pilipino sa sangkot sa pagpapakalat ng pekeng balita sa isang bansa.
Ito ang kumpirma ng pamunuan ng National Bureau of Investigation.
Ayon kay NBI Director Jaime Santiago, makikipag tulungan sila sa INTERPOL para mapigilan ang pagkalat ng fake news at panagutin ang mga sangkot dito.
Ang pahayag na ito ay ginawa ni Santiago dahil na rin sa walang hintong pagkalat ng mga maling impormasyon mula sa ilan sa mga Pilipinong nasa ibang bansa.
Kasunod na rin ito ng pag-aresto kay dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte.
Sa kabila nito ay binigyang diin ni Santiago na kanilang iginagalang ang freedom of speech at freedom of expression bagamat kinakailangan na maging responsable sa mga inilalabas na impormasyon na maaaring makaapekto sa ibang tao.