Hindi kailanman magiging pawn o kasangkapan ng Amerika ang Pilipinas.
Ito ang binigyang diin ni National Security Council (NSC) assistant director general at spokesperson Jonathan Malaya kasunod ng babala ng China na hindi umano magpapasensiya ang kanilang People’s Liberation Army kapag pinakilos ng Amerika ang pawn nito nang lihim, itulak ang mga bansa sa front line o kapag ang US na mismo ang nasa front line.
Nagbabala din ang China na dudurugin umano nito ang sinumang dayuhang manghihimasok sa inaangkin nitong teritoryo sa disputed waters kung saan parte nito ang West Philippine Sea.
Subalit saad ng NSC official na bilang isang sovereign nation, determinado ang Pilipinas na depensahan ang territorial integrity nito, sovereign rights at hurisdiksiyon.
Ang posisyon din aniya ng gobyerno ng PH sa pinaga-agawang karagatan ay alinsunod sa pambansang interes at international law partikular na ng UNCLOS at 2016 arbitral ruling na nagpapawalang bisa sa malawakang claims ng China sa naturang karagatan.