-- Advertisements --
Ipinagmalaki ngayon ni vaccine czar Carlito Galvez na hindi naman nangungulelat ang Pilipinas kumpara sa kalapit na mga bansa pagdating sa isyu ng vaccination.
Sa report ni Galvez, kanyang iginiit na sa 10 mga bansa sa Southeast Asia, pang-apat daw ang Pilipinas sa may pinakamarami na mga naipamahagi na mga bakuna.
Ang pinakauna sa mga bansa sa ASEAN sa vaccination rollout ay ang Indonesia, Singapore, Myanmar, at ang Pilipinas.
Iniulat din naman ni Galvez na sa kalagitnaan ng taong ito ay bubuhos na ang mga bakuna na darating sa bansa.