-- Advertisements --
Nagpahayag ng pagkabahala ang Pilipinas kaugnay sa mga tensiyon sa pagitan ng Israel at Iran at hinimok ang dalawang partido na magtulungang para sa mapayapang pagresolba ng hidwaan.
Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), matagal ng isinusulong ng Pilipinas para sa lahat ng estado na sumunod sa mga prinsipiyo ng international law at para sa mapayapang pag-aayos ng mga iringan.
Ginawa ng DFA ang naturang pahayag kasunod ng inilunsad na missile at drone attacks ng Iran sa Israel noong Sabado bilang ganti sa Israel matapos tamaan ng kanilang airstrike ang Konsulada ng Iran sa Damascus, Syria na ikinasawi ng 7 Iranian military advisers kabilang ang 3 senior commanders.