-- Advertisements --

Siniguro ng Malacañang na ihahabla ng Pilipinas ang Chinese crew na bumangga sa bangkang pangisda ng mga Pinoy sa Recto Bank sa West Philippine Sea.

Ayon kay Presidential spokesperson Salvador Panelo, ito raw ay kung hindi magbabayad ng danyos ang mga Tsino sa mga mangingisdang Pinoy.

Aalamin din daw ng Pilipinas kung handa nga ba mga ang mga tripulanteng Tsino na magbayad sa idinulot nilang pinsala.

Giit pa ng kalihim, maaaring makasuhan ng criminal at reckless imprudence resulting to damage to property ang Chinese crew.