Pangatlo ang Pilipinas pagdating sa universal serial bus (USB) hack attacks sa Southeast Asia.
Ayon sa Global cybersecurity company na Kaspersky, nasa 36.80% users sa Pilipinas ang nabibiktima ng local threats mula sa naturang devices noong nakalipas na taon.
Ang local threats ay malware na kumakalat sa pamamagitan ng removable media gaya ng flash drives maging ng CDs at DVDs at iba pang offline methods.
Nangunguna naman ang Vietnam sa nakapagtala ng USB hack attacks (53.30 percent) at Indonesia (41.10 percent).
Kayat pinag-iingat ng naturang kompaniya ang mga Pilipino sa pagsaksak ng memory storage USB devices sa mga computer liban na lamang kung dumaan ito sa scanning.
Mula noon 2019, ang kabuuang porsyento ng Kasperksy users na inatake ng local threats ay pumapalo mula sa 42% hanggang 51%.