-- Advertisements --

Nakatakdang hawakan ng Pilipinas ang pinakamalaking bilang ng mga S-70i Black Hawk helicopter sa buong mundo.

Una kasing pinasok ng Pilipinas ang kontrata kasama ang Lockheed Martin para sa pagbili ng kabuuang 32 Sikorsky Black Hawk helicopters sa ilalim ng Additional Utility Helicopters Acquisition Project ng Department of National Defense.

Ayon kay Sikorsky Aircraft vice president of Army and Air Force Systems Hamid Salim, oras na makumpleto ang naturang deal ay ang Pilipinas na ang magsisilbing may pinakamaraming S-70i Black Hawks.

Ang mga naturang aircraft aniya ay sumusuporta sa pangangailangan ng Pilipinas na protektahan at pangalagaan ang teritoryo nito at ang paggamit sa mga naturang aircraft ay magsisilbing security advantage sa Indo-Pacific Region.

Nitong 2024, sampung Black Hawk ang naideliver na sa Pilipinas at kung makukumpleto ang kabuuang deal ay aabot na sa 47 ang mga S-70i sa bansa.

Ang nalalabi ay inaasahang maidedeliver na sa Pilipinas sa susunod na dalawang buwan.