Inaprubahan na din ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) ang vaccination certificates ng tatlo pang mga bansa mula Bulgaria, Iran at Panama.
Sa bisa ng Resolution No. 164-E, aprubado na ang pagtanggap at kinikilala na ang national covid19 vaccination certificates mula sa tatlong nasabing bansa para sa arrival quarantine protocols at interzonal/intrazonal movement.
Ito ay karagdagan sa mga bansa, teritoryo at hurisdiksyon na nauna ng inaprubahan ng IATF.
Inatasan naman ang Bureau of Quarantine, Department of Transportation -One Stop Shop at ang Bureau of Immigration na kilalanin lamang ang proofs of vaccination na inaprubahan ng IATF.
Sa kasalukuyan, kinikilala ng bansa ang mga vax certificates mula sa 72 mga bansa, teritoryo at jusrisdictions.
Nakapagtala na rin ang Bureau of Immigration ng 40 porsyentong pagtaas ng foreign arrivals sa bansa matapos tanggalin ang travel ban.