-- Advertisements --

Mas bumagal pa ang paggalaw ng presyo ng mga produkto sa nagdaang buwan ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA).

Batay sa inilabas na inflation report ng ahensya, nabatid na bumagal sa 0.9-percent ang inflation rate ng bansa noong Setyembre.

Mas mabagal ito mula sa 1.7-percent inflation noong Agosto, at 6.7-percent noong 2018.

Itinuturing ito ng PSA na pinaka-mabagal na inflation rate mula 2018.

Noong Mayo ng 2016 pa kasi naabot ng bansa ang parehong datos ng pagbagal sa galaw ng mga presyo ng bilihin.

PSA September 2019 inflation

Sa mga rehiyon, bumagal din ang paggalaw sa presyo ng mga produkto sa National Capital Region sa 0.9-percent.

Pareho rin ang kabuuang rating ng inflation sa mga lugar sa labas ng Metro Manila.

Nanatiling mataas sa 2.2-percent ang kabuuang paglago ng mga presyo sa Mimaropa.

Habang pinaka-mababa ang -1.3 percent sa Zamboanga Peninsula.