-- Advertisements --

Isa ang Pilipinas sa mga bansa sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) ang nakapagtala ng pinakamababang bilang ng mga bagong kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa loob ng isang araw.

Iniulat ni Health Secretary Francisco Duque III na nakapagtala ang Pilipinas ng 3.45 new infections sa kada isang million kada araw noong Marso 28.

Sa buong week mula March 23 hanggang 29, naitala ang 2,651 new cases, na mas mababa ng 3,319 infections mula noong nakalipas na linggo.

Pumapalo na lamang sa 378 ang average daily cases kada araw sa bansa habang isang kaso lamang ang naidagdag sa severe at critical cases tally.

Nananatili din na mababa na nasa 1.61 % ang case fatality rate sa buong bansa habang mataas ang recovery rate na nasa 97.3%.

Sumunod naman sa Pilipinas ang Cambodia na may 3.61 cases, Myanmar na may 4.52 cases at Indonesia na nakapagtala ng 17.82 cases.

Sa buong Asya naman, ang China ang nakapagtala ng pinakamababang bilang ng COVID cases na nasa 1.3 lamang sa kada isang milyong populasyon.