Isa sa top 10 sources ang Pilipinas sa tinatawag na “love scams” noong nakalipas na taon, base sa credit rating firm na Moody’s.
Ayon sa naturang kompaniya, tinatayang nasa 1,193 na bagong profiles ang ginamit para sa pagsasagawa ng romance scams sa buong mundo noong 2024, ang pinakamataas sa nakalipas na 6 na taon.
Ito ay tumaas naman ng 14% mula noong taong 2023.
Sa naturang bilang, 4% o 45 profiles ay mula sa Pilipinas, tumaas ito mula sa 10 noong 2023.
Ayon sa Moody’s ang isolation noong pandemiya ang nakapag-trigger ng pagsipa sa ganitong mga aktibidad ng love scam target ang mga vulnerable individual na may lubhang pangangailangan para sa emotional connection gaya ng senior citizens.
Sa kabuuan, ang PH at Malaysia ay kabilang sa top 10 na bansa pagdating sa bilang ng kahina-hinalang profiles noong nakalipas na taon kasama ang US na nangunguna.
Ayon sa Moody’s kadalasang ginagamit ng mga kriminal ang pera mula sa romance scams gaya ng sextortion sa pamamagitan ng traditional financial system.