Ipinagmalaki ni Pang. Ferdinand Marcoos Jr na ang PIlipinas ay isang trusted partner, credible pathfinder at peacemaker sa rehiyon at maging sa buong mundo.
Sa naging talumpati ng Pangulo sa 21st IISS Shangri-La Dialogue in Singapore, binigyang-diin ni Pangulong Marcos na gagawin ng Pilipinas na ipakita sa buong mundo ang pagiging mapagkakatiwalaang partner at committed peacemaker sa sandaling mahalal sa [United] Nations Security Council para sa taong 2027-2028.
Inihayag ng Presidente na determinado ang Pilipinas na maging isang mabuting pwersa, sa kapayapaan at champion sa regional and global unity at isang staunch defender ng rules-based international order.
Ibinahagi din ng Punong Ehekutibo ang determinasyon ng bansa sa lahat ng pangunahing pandaigdigang aspeto at katatagan upang mapaglabanan ang lahat ng nakakatakot na hamon at kahinaan tungo sa pagkamit ng mga karaniwang mithiin nito.
Ipinunto din ng Pangulong Marcos na sa kabila ng mabibigat na hamon at dumaraming kahinaan, nananatili ang Pilipinas sa tamang landas upang makamit ang layunin ng isang ekonomiyang may mataas na kita at isang maunlad na bansa sa taong 2040, kung saan ang mga Pilipino ay namumuhay nang may matatag na ugat, komportable, at ligtas na pamumuhay.
Hinimok din ng Pangulong Marcos ang mga kapwa lider na huwag maging distracted sa mga nangyayaring geopolitical situation sa pagtupad sa kanilang mandato bilang public servant.