Palalakasin pa ng Pilipinas at Japan ang partnership para maisulong ang “free and open international order at rule of law” sa ilalim ng Marcos Jr. administration.
Ito’y kasunod sa paglagda ng Philippines-Japan Reciprocal Access Agreement (RAA) kaninang umaga sa Palasyo ng Malakanyang.
Ayon kay Japanese Foreign Minister Kamikawa Yoko isang malaking progreso at achievement ang paglagda ng nasabing kasunduan na lalong magpapaigting sa kooperasyon ng dalawang bansa.
Binigyang-diin ni Yoko na mahalaga ang alyansa ng Japan at Pilipinas.
Ang paglagda sa Reciprocal Access Agreement ay magbibigay-daan sa pagpapalitan ng joint drills o military exercises sa pagitan ng mga sundalong Filipino at Japanese.
Sa panig naman ni Japan Defense Minister Kihara Minoru, sinabi nito na ang paglagda ng RAA ang nagpatibay pa ng kooperasyong pang-depensa ng dalawang bansa.
Siniguro ni Minoru na paiigtingin pa nito ang defense cooperatoon at exchanges ng Pilipinas at Japan upang makamit ang free and open Indo-Pacific.