Mas nag level-up pa ngayon ang partnership sa pagitan ng Pilipinas at Japan matapos lagdaan ang Reciprocal Access Agreement (RAA) kaninang umaga sa Palasyo ng Malakanyang na sinaksihan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Ayon kay Defense Secretary Gilberto Teodoro ang paglagda sa RAA ay isang milestone sa ibinahaging pagsusumikap upang matiyak ang rules-based international order at maging ang peace and stability sa Indo-Pacific Region.
Sinabi ni Teodoro na bukod sa pinalakas na ugnayan sa ekonomiya at kalakal, dinagdagan pa ito ng isang dimension ang security aspect para lalo pang lumakas ang bilateral relations ng dalawang bansa.
Binigyang-diin ni Teodoro na ang nasabing holistic dimension ay magdadagdag sa multilateral efforts ng dalawang gobyerno ay upang masiguro nirerespeto ang rule of international law.
Naniniwala si Teodoro ang pinalakas na ugnayan at partnership ng Pilipinas at Japan ay magduduloy ng confidence building measures sa pagitan ng Japanese Self-Defense Forces at Armed Forces of the Philippines.
Ngayong nilagdaan na ang Reciprocal Access Agreement asahan ang pinaigting na joint drills and military exercises sa pagitan ng mga sundalong Filipino at Japanese.
Lubos namang nagpasalamat si Sec. Teodoro sa Japanese government sa mga tulong na kanilang ibinibigay sa Pilipinas.