Kinumpirma ng Philippine Paralympic Committee (PPC) na hindi na makakalaro sa kanyang event ang discus thrower na si Jeanette Aceveda sa 2020 Tokyo Paralympic Games matapos na magpositibo sa COVID-19.
Liban kay Aceveda, maging ang kanyang coach na si Bernard Buen ay nagpositibo rin sa isinagawang mandatory daily saliva antigen test at sa sumunod na confirmatory RT-PCR test sa Tokyo Paralympic Village.
Ayon kay PPC president Michael Barredo, labis umano ang pagkadismaya nina Aceveda at Buen lalo na at ngayong August 31 ang kanilang event.
Samantala dadalhin naman sila sa quarantine facility sa labas ng Olympic Village bilang pagsunod na rin sa Paralympic Playbook.
“Jeanette is greatly disappointed that she will have to withdraw from her event scheduled for 31 August 2021,” ani Barredo sa statement. “Although she would not be able to fulfil her dream to compete in the Paralympics and represent the Philippines, Jeanette still hopes there will be more chances for her to make this come true in the future.”
Ito ang ikalawang pagkakataon na dumanas ng setback ang 6-member Team Pilipinas dahil bago pa man umalis ng Tokyo ang powerlifter na si Achelle Guion ay nagpositibo rin sa virus.