Tiniyak ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na kailanman hindi magpapasupil at magpapa-api kaninuman.
Ang pahayag ng Punong Ehekutibo ay bunsod sa pinaka huling agresibong aksiyon ng China Coast Guard laban sa mga sundalong Pilipino na nagsasagawa ng rotation and resuplly mission sa BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal at West Philippine Sea.
Binigyang-diin ng Presidente na ang pag depensa sa ating bansa dapat manatiling totoo sa pag resolba sa isyu ng mapayapa.
Ipinunto pa ng Pangulong Marcos, na hindi gagawa ng anumang hakbang ang Pilipinas na magreresulta sa pag-uudyok ng giyera at makapanakit ng kapwa.
“In defending the nation, we stay true to our Filipino nature that we would like to settle all these issues peacefully… we will not resort to the use of force or intimidation, or deliberately inflict injury or harm to anyone,” pahayag ng Pangulong Marcos.