-- Advertisements --
karateka sea games
Karatedo gold medalist Junna Tsukki

PASAY CITY – Hindi umano nakatulog si Kumite, Karatedo gold medalist Junna Tsukki ng Pilipinas matapos maiuwi ang pinaka-unang ginto ng Philippine Karatedo team kahapon.

Una rito, nagpamalas ng matinding lakas at diskarte si Tsukki na naging dahilan sa paunti-unti nitong pag-akyat sa hagdan papuntang ginto.

Si Tsukki ang tumalo sa mga koponan ng Myanmar, Malaysia, Thailand at ang katapat nito sa final round na Vietnamese athlete na si Thi Houng Dinh matapos ang 1-0 score.

Sa panayam ng Bombo Radyo Philippines kay Tsukki, sinabi nito na bago siya pumunta ng Japan para sa training, papalakpak at sisigaw muna ito sa iba pang mga pambato ng Pilipinas sa larong Karatedo.

Dagdag pa nito na pagnatapos na ang SEA Games agad siyang lilipad papuntang Japan para magpatuloy naman sa matinding training para sa Olympics na matagal na nitong pinaghahandaan.

Si Tsukki ay nag-uwi lamang ng bronze medal noong 2017 SEA Games at nakakolekta pa ng tatlo sa mga international competitions. (Report by John Salonga)