-- Advertisements --

Naniniwala si dating Gilas Pilipinas head coach Rajko Toroman na magagawa ng national squad na payukuin ang powerhouse team Italy sa kanilang kampanya sa FIBA World Cup.

Sa isang panayam, sinabi ni Toroman na mas malaki umano ang tsansa na magapi ng Pilipinas ang Italy kaysa sa Serbia.

Bagama’t inaasahang dalawa ang NBA players ng Italian squad sa katauhan nina Danilo Gallinari at Marco Belinelli, maliban pa sa kanilang Euroleague players, magagawa umano ng Pilipinas na malusutan ang isa sa mga bigating koponan sa Group D.

“But also, Italy must not have a good day and the Philippines must play great,” wika ni Toroman.

Sa kabilang dako, mas mahihirapan umano ang Pilipinas sa world No. 4 Serbia dahil sa lalim at presensya na rin ni Denver Nuggets star Nikola Jokic.

Hindi rin daw dapat madismaya ang Pilipinas sakaling hindi ito makausad sa next round dahil sa mga dekalibreng koponan mula Europe ang kanilang makakatunggali.