-- Advertisements --
sen francis tolentino

Ipinadala na sa Cambodia ang Philippine kickboxing team upang magsanay bilang paghahanda para sa 2019 Southeast Asian (SEA) Games.

Ayon kay Sen. Francis Tolentino, presidente ng Samahang Kickboxing ng Pilipinas (SLP), kasama ng kanilang mga coach na sina Glenn Mondol at Donald Geisler III ay mananatili ang Pinoy fighters sa Cambodia hanggang Nobyembre 9.

“Our Filipino kickboxers have been training diligently in the past months. I am convinced that they have a very good chance in the coming SEA Games,” wika ni Tolentino.

“Training in Seam Reap will surely increase our athletes’ endurance and combat skills, and enable them to develop sharper techniques through sparring with more experienced kickboxers,” dagdag nito.

Walong kickboxing events ang nakalinya sa SEA Games, na naka-schedule mula Disyembre 7 hanggang 10 sa Cuneta Astrodome.

Ito rin ang unang pagkakataon na isinama ang kickboxing sa regional showpiece, kasama na rin ang iba pang mga combat sports gaya ng Arnis, Ju-jitsu, Kurash, at Sambo.