Pinasalamatan ng gobyerno ng Pilipinas ang gobyerno ng Qatar sa mediation efforts nito na nagresulta sa pagpapalaya ng 24 na bihag ng militanteng Hamas kabilang ang isang Pinoy caregiver na dinukot noong October 7 attack.
Ayon kay Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo, kinikilala at lubos na nagpapasalamat sa Qatar na namagitan sa Hamas at Israel.
Kaugnay nito, mananatili aniyang committed ang PH at Qatar sa pagtukoy ng landas para sa pangmatagalang kapayapaan sa rehiyon.
Inisyu ng kalihim ang pahayag kasunod ng pagkumpirma ni PBBM na isang Pilipino na kinilalang si Jimmy Pacheco ang kabilang sa unang grupo ng mga bihag na pinalaya ng Hamas.
Si Pacheco ay isang 33 anyos na Pinoy caregiver sa Israel na dinukot ng Hamas mula sa Kibbutz Nir Oz sa katimugang bahagi ng Israel.
Sa ngayon, nasa kustodiya na ng PH Embassy sa Israel si Pacheco.