-- Advertisements --
Chinese Coast Guard ship during DiREx 15

Kinondena ng Pilipinas ang panibagong insidente ng pambobomba ng tubig o water cannon ng China coast guard sa resupply boat na nagdadala ng mga suplay para sa tropa ng bansa na nakaistasyon sa BRP Sierra Madre sa Ayungin shoal.

Ayon sa National Task Force for the West Philippine Sea (NTF-WPS) Ayon sa Task Force, hinarass, hinarangan at nagsagawa ng mapanganib na maniobra ang China Coast Guard and Chinese Maritime Militia vessels laban sa barko ng PH ngayong araw subalit nakumpleto ng bansa ang resupply mission.

Nagpakawala din aniya ng water cannon ang CCG vessel 5203 sa supply boat ng PH na M/L Kalayaan kaninang alas7:30 ng umaga sa pagtatangkang harangin ang resupply mission ng PH.

Hinarass din ng CCG rigid-hulled inflatable boats ang Unaizah Mae 1 at M/L Kalayaan nang malapitan habang papalapit sa BRP Sierra Madre sa loob ng Ayungin shoal lagoon.

Nakatakda namang maglabas ang Philippine National Security Council ng statement kaugnay sa naturang resupply mission.

Samantala, naghain na ang PH sa pamamagitan ng embahada sa Beijing ng diplomatic protest kasunod ng harassment ng China.

Ipinaabot na rin ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang insidente sa counterpart nito para iparating ang protesta ng PH sa pamamagitan ng Maritime Communications Mechanism.

Ang pinakabagong resupply mission ng PH ngayong November 10 ay ilang linggo matapos ang October 22 mission na bahagyang nakumpleto makaraang mangyari ang 2 insidente ng pagbangga ng barko ng China coast guard sa Unaiza May 2 habang ang BRP Cabra naman ay bumangga sa Chinese Maritime militia vessel.

Ito ang unang pagkakataon na bumangga ang kinontratang barko ng PH sa bako ng China sa West PH Sea.