-- Advertisements --

Kumpiyansa ang Pilipinas na patuloy na magbibigay ng tulong si U.S. President Donald Trump sa pagpa-patrol sa West Philippine Sea (WPS) at ipagpatuloy ang pagpapalawak ng presensya ng militar ng U.S. sa Pilipinas kasabay ng lumalalang tensyon sa China.

Ayon kay PH to the U.S. Ambassador Jose Romualdez, na nakipagpulong sa mga opisyal ng U.S. sa diplomatic, defense, at congressional officials.

Inaasahan naman ng Ambassador na magpapatuloy ang suporta ng Estados Unidos sa pagpapalakas ng militar ng Pilipinas, na nangunguna sa pagsugpo sa lumalawak na impluwensiya ng China sa WPS.

Binanggit din ni Romualdez na kasalukuyang inaayos ang isang pulong sa pagitan ni U.S President Trump at Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na maaari namang maganap kapag nagtagpo ang schedule ng dalawang lider.

Samantala sa mga kamakailang pag-uusap sa pagitan ng defense military ng Pilipinas at U.S.muling pinagtibay ng parehong panig ang kanilang pangako na panatilihin ang matatag na relasyon.

Maalalang nakipagpulong si U.S. Secretary of State Marco Rubio kay Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo sa Munich Security Conference sa Germany noong nakaraang buwan, kung saan hindi lamang nila pinagtibay ang pangako ng US sa alyansang US-Philippines, kundi binigyang-diin din ang kanilang interes na mas palalimin at pagyamanin pa ang relasyon ng dalawang bansa.

Ayon sa tagapagsalita ng State Department na si Tammy Bruce, pinagusapan umano ng mga ito ang patuloy na coordination mula sa paglaban sa mga destabilizing na ginagawa ng China sa WPS, pati na rin ang mga pagpapalawak ng kooperasyon sa ekonomiya, kabilang na ang inprastruktura, critical minerals, information technology, at energy, kasama na ang civil nuclear cooperation.