-- Advertisements --
kurt barbosa taekwondo
Kurt Barbosa

Ginawa ng lahat ng Philippine’s lone taekwondo bet na si Kurt Barbosa ang makakaya pero kulang pa rin sa laban kontra sa top seed na si Jang Jun ng South Korea sa 58kg division tournament na ginanap sa Makuhari Messe Hall A sa Japan.

Tinambakan ng score si Barbosa ng world’s number 1 na si Jang sa score na 6-26 sa nagpapatuloy na Tokyo 2020 Olympics.

Dahil dito uusad na si Jang sa quarterfinals laban sa pambato ng Spain.

Habang si Barbosa ay meron pa ring tiyansa mamayang gabi depende na kung umusad sa finals si Jang.