-- Advertisements --

Layon mag-export ng Pilipinas ng 66,000 metrikong tonelada ng raw sugar sa Estados Unidos para sa crop year 2024-2025, ayon sa Sugar Regulatory Administration (SRA).

Ito ay matapos aprubahan ng SRA ang Sugar Order (SO) 5, na nilagdaan noong Miyerkules, bilang bahagi ng mga obligasyon ng bansa sa ilalim ng US Raw Sugar Tariff-Rate Quota World Trade Allocation.

Ang export na ito ay magsisilbing pagtupad sa bahagi ng Pilipinas sa 2025 US Sugar Quota Allocation.

Ang mga kwalipikadong kalahok para sa export ay pipiliin mula sa mga nakilahok sa Sugar Order (SO) 2 ng SRA, kung saan naitala ang 120,000 MT na raw sugar na boluntaryong nabili.

Hinikayat ng ahensya na ang mga nais makilahok sa export para sa 2025 US sugar quota allocation ay kinakailangang magsumite ng undertaking letter na mayroon ng notarize bago mag-Marso 30, 2025, na nagsasaad ng aktwal na volume ng na kanilang i-eexport.

Bukod dito, ang mga kwalipikadong kalahok na sumusunod sa mga itinakdang kondisyon ng SRA ay bibigyan ng priyoridad sa mga susunod na programa ng gobyerno para sa importasyon ng asukal.

Gayunpaman, ang pribilehiyo sa importasyon ay ibibigay muna sa mga kwalipikadong kalahok sa SO 2, at susundan ng mga kalahok sa SO 5.

Samaantala ang paglilipat ng mga pribilehiyo sa ilalim ng SO 5 ay maaaring gawin sa mga eligible transferees, basta’t may apruba mula sa SRA Administrator.