-- Advertisements --

Handang magbigay ang Pilipinas ng mga incentives sa mga Hollywood film production upang makapang hikayat na gawing hub para sa produksyon ng pelikula ang Pilipinas.

Sa isang pulong balitaan kasama ang mga opisyal ng mga ahensya ng Department of Tourism (DOT) at Department of Trade and Industry (DTI), pinangunahan ni First Lady Liza Araneta-Marcos ang inisyatibo sa mga malalaking kumpanya sa Hollywood na mag produce ng pelikula sa Pilipinas nang sagayon ay makalikha ng trabaho sa bansa.

Kabilang sa mga incentives na ipinakita ng mga opisyal ay mga benepisyo sa buwis at financial support upang hikayatin ang mga ito na piliin ang Pilipinas bilang lokasyon ng kanilang proyekto.

Ibinahagi pa ng First Lady sa isang Instagram post nito ang labis na tuwa na makasama sina Tourism Secretary Christina Frasco at Trade Secretary Cristina Roque upang talakayin ang mga malalaking filmmaker sa West Hollywood na itinuturing ng First Lady bilang isang nakaka ‘inspired’ na inisyatiba.

Pinuri rin ni Liza Araneta-Marcos ang dalawang opisyal, at binigyang-diin ang kanilang natatanging pamumuno.

‘These women didn’t just keep up—they redefined the standard, proving that excellence has no limits,’ sabi nito sa kaniyang caption.

Screenshot from IG post of First Lady @lizamarcos

Sa isang hiwalay na social media post, binigyang-diin naman ni Trade Secretary Cristina Roque ang pangako ng DTI na gawing nangungunang destinasyon para sa pag-gawa ng pelikula ang Pilipinas.

Inilahad din niya ang pakikipagtulungan ng DTI sa Film Development Council of the Philippines (FDCP) at mga kasosyo sa industriya upang mapadali ang mga proseso, at matiyak na magiging isang competitive at filmmaker-friendly ang Pilipinas.

Samantala mayroong 29 trade attachés sa 21 bansa ang Pilipinas ang maaaring magamit ng mga filmmaker upang makipag partner sa mga ito at mapalawak ang kanilang pelikula sa buong mundo.