-- Advertisements --

Layong palawigin ng Pilipinas ang partnership nito sa renewable energy at nuclear energy sa United Arab Emirates (UAE).

Nakasaad sa Memorandum of Agreement (MOA) ng ng Pilipinas at UAE ang magiging kolaborasyon nito pagdating sa liquefied natural gas bilang fuel; Paglikha ng kuryente; Transmisyon; Power generation; Nuclear energy; Energy efficiency and Conservation, at mga alternatibong Fuels, at Emerging technologies.

Ang naturang kasunduan ay naganap sa pagitan ng Department of Energy (DOE) at UAE Energy and Infrastructure kung saan isinagawa ang working visit ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa UAE noong isang buwan.

Samantala, napagkasunduan rin ni PBBM at UAE President Mohamed bin Zayed Al Nahyan ang pag promote sa Pilipinas bilang pangunahing destinasyon para sa mga arabong gustong mamuhunan sa bansa.

Top